Friday, August 3, 2018

Wikang Kinalakhan

Image result for reference: http://kwf.gov.ph/buwan-ng-wika-2018-filipino-ang-wika-ng-saliksik/     
         














                Sa panahong ngayon umaasa na tayo sa mga impormasyon hatid ng pagsasaliksik. Sa ika dalawampu't isang siglo napapadali na ang pag-aaral dahil sa tulong ng ''internet''na kung saan dito natin madalas mag- research o nanaliksik ng mga impormasyong kailangan. Kung hindi dahil sa research wala tayong kaalaman tungkol sa mga bagay- bagay.


                Ang pagunlad ng ating ng ating pamumuhay sumasabay rin ang pagunlad ng iba pang sektor sa ating lipunan. Kung kaya't pati narin ang ating wika ay sumasabay sa pag-usbong. Lumalawak o nadagdagan na ang gamit ng ating wika, hindi na lamang ito parte ng ating kultura o ang ating pambansang wika, ginagamit na rin ito sa mga bagay na makakatulong sa pagpapaunlad sa ating bansa. Sa kasalukuyan ang wikang Filipino ay ginagamit naring sa pananaliksik. Ayon nga sa tema ng Buwan ng Wika Filipino: Wika ng Saliksik (Language of Research)” , kinikilala ang wikang Filipino na isang midyum o instrumento sa pagbabahagi ng mga kaalaman o mga bagong kaalaman dulot ng pananaliksik. Layunin nito na ipakita na ang wika natin ay maaaring gamitin sa pagtuklas ng kaalaman at karunungan.  Maaaring ang iba sa ati ay hindi pa kinikilala ang ating wikang dahil nasanay tayo sa ibang midyum na ginagamit sa pananaliksik ngunit ang layunin nito ngayong taon ay palawigin at palawakin ang kaalaman ng bawat isa, sa pamamagitan ng ating sariling wikang Filipino bilang wika ng saliksik.
                  

                     Tandaan na hindi lamang wika ang batayan sa pananaliksik at paghahanap ng kaalaman at mga bagong impormasyon oto'y kung paano natin maisasabuhay ang mga kaalamang ito para sa ating kaunlaran.  Sa pamamagitan rin nito naipakikilala  hindi lamang sa ating bansa pati sa ibang bansa, ang ating wika at ang kinalakhang kultura na ating minahal. Dahil rito masasabi nating "I'm proud to be a Filipino".










reference:
 http://kwf.gov.ph/buwan-ng-wika-2018-filipino-ang-wika-ng-saliksik/
https://encrypted-tbn0.gstatic.com/imagesq=tbn:ANd9GcR9SitBs9iOhG51bPqoOXbwDbs0K0hcIAnmOuGy-zVGW34MAE1aYg

1 comment:

  1. Napakahusay na artikulo. sana'y magsilbi kang inspirasyon hindi lang ng kabataan kundi ang lahat ng mga Pilipino upang mas lumalim pa ang pagmamahal nila sa ating wika.

    ReplyDelete