Tuesday, November 20, 2018

Mapanuring Paggamit ng Gadget: Tungo sa Mapagkalingang Ugnayan ng Pamilya at Kapwa

Mula umaga hanggang gabi hindi parin tinitigilan, hindi parin ito linulubayan maging sa pagtulog wahak hawak parin at hindi na magugulat kung sa paggising at haharap sa salamin bubungad sa iyo ang mugto at nangingitim na mga mata.
Image result for paggamit ng gadget  clipart

Oo ngat marami ang na ang naitulong nito sa atin na tipong pinakamaliit na bagay na alam naman at kayang gawin ay iaasa mo sa cellphone. Patuloy sa paggamit na tipong hindi na mabubuhay kung hindi hawak at kung mawalan man ng charge kaybilis mong kukuhanin ang charger at di na naman titigil. Sige lang hangat magsawa ngunit naiisip  ba na kung sakasakling ikaw naman ang malowbat. Malowbat dahil sa pagod ka na kaya ka bang irecharge ng cellphone para bumalik ang iyong sigla? Tandaan mo na hindi lahat kayang ibigay ng cellpnone o anumng uri ng gadget. Ang tunay na kaligayahan, tunay na pagmamahal at kalinga ay hindi maibibigay ng hawak mong cellphone.

Nakakalimutan mo na rin yata ang mga taong gusto kang maksama dahil sa tuloyan nang linamon ng sistema. Binulag at binilog na cellphone lang ang kailangan. Ngunit hindi, may mga mga taong gusto kang maksama, sabayan ang trip mo sa buhay hindi ang gadget na kasabayan lang online.

Ako oo inaamin ko nakakalimutan ko na ang oras nakakaligtaan ko ang mga dapat kung gawin dahil sa paggamit ng gadget. Pero sa paglipas ng araw napagtanto kung may mas mahalaga pa kaysa ang nakatutok sa gadget. Na may mga bagay na hihigit pa sa gadget na akalay di ka iiwan.

Pamilya, kaibigan yan ang mga taong hinding hindi ka iiwan. Ang mga taong alam kung makaksama ko online at offline.


reference:
https://image.slidesharecdn.com/ligtasatresponsablengpaggamitngcomputerinternet-160221065431/95/ligtas-at-responsableng-paggamit-ng-computer-internet-at-email-1-638.jpg?cb=1456037714

No comments:

Post a Comment